Jeremias 30

Akoʼy kasama ninyo at ililigtas ko kayo,’ sabi ng Panginoon. Lubusan kong wawasakin ang mga bansa kung saan ikinalat ko kayo pero hindi ko ito gagawin sa inyo. Ngunit hindi rin ito nangangahulugang hindi ko kayo parurusahan. Didisiplinahin ko kayo nang nararapat.”

Jeremiah 30:11 (UKJV) For I am with you, says the LORD, to save you: though I make a full end of all nations where I have scattered you, yet I will not make a full end of you: but I will correct you in measure, and will not leave you altogether unpunished.

9Silaʼy maglilingkod sa akin, ang Panginoon nilang Diyos, at hihirang ako ng kanilang hari mula sa angkan ni David.

10“ ‘Kaya huwag kang matatakot Jacob na aking lingkod, o manlulupaypay man, kayong lahi ni Israel,’ sabi ng Panginoon. ‘Sapagkat tutulungan ko kayo at aalisin mula diyan sa malayong lugar kung saan kayo binihag. Sa pagbabalik ninyo, mamumuhay na kayo nang payapa, tahimik, at walang kinatatakutan.

11Akoʼy kasama ninyo at ililigtas ko kayo,’ sabi ng Panginoon. Lubusan kong wawasakin ang mga bansa kung saan ikinalat ko kayo pero hindi ko ito gagawin sa inyo. Ngunit hindi rin ito nangangahulugang hindi ko kayo parurusahan. Didisiplinahin ko kayo nang nararapat.”

12Sinabi pa ng Panginoon: “Talagang malubha na ang inyong mga sugat at hindi na ito gagaling.

13Wala nang makakatulong o makakagamot sa inyo. Wala nang lunas para sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.