Jeremias 30

“ ‘Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabing sa panahong iyon, hindi na sila aalipinin ng mga taga-ibang bansa. Babaliin ko na ang pamatok sa kanilang mga leeg at tatanggalin ko na ang kanilang mga kadena.

Jeremiah 30:8 (UKJV) For it shall come to pass in that day, says the LORD of hosts, that I will break his yoke from off your neck, and will burst your bonds, and strangers shall no more make use of him:

6May itatanong ako sa inyo. Maaari bang manganak ang lalaki? Bakit nakikita ko ang mga lalaking namumutla at hawak-hawak ang tiyan na parang babaeng manganganak na?

7Lubhang nakakatakot kapag dumating na ang araw na iyon, at wala itong katulad. Panahon iyon ng paghihirap ng mga lahi ni Jacob, pero maliligtas sila sa bandang huli sa kalagayang iyon.

8“ ‘Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabing sa panahong iyon, hindi na sila aalipinin ng mga taga-ibang bansa. Babaliin ko na ang pamatok sa kanilang mga leeg at tatanggalin ko na ang kanilang mga kadena.

9Silaʼy maglilingkod sa akin, ang Panginoon nilang Diyos, at hihirang ako ng kanilang hari mula sa angkan ni David.

10“ ‘Kaya huwag kang matatakot Jacob na aking lingkod, o manlulupaypay man, kayong lahi ni Israel,’ sabi ng Panginoon. ‘Sapagkat tutulungan ko kayo at aalisin mula diyan sa malayong lugar kung saan kayo binihag. Sa pagbabalik ninyo, mamumuhay na kayo nang payapa, tahimik, at walang kinatatakutan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.