Jeremias 34

Nag-utos si Zedequias na ang sinumang may mga aliping Hebreo, maging babae o lalaki ay kinakailangan nilang palayain. Walang kapwa Hudyo na mananatiling alipin.

Jeremiah 34:9 (UKJV) That every man should let his manservant, and every man his maidservant, being an Hebrew or an Hebrewess, go free; that none should serve himself of them, to know, of a Jew his brother.

7Sumasalakay na ng panahong iyon ang hukbo ng hari ng Babilonia sa Jerusalem, sa Laquis at sa Azeka. Ito na lang ang mga lungsod ng Juda na may mga pader.

8May sinabi pa ang Panginoon kay Jeremias nang panahong gumawa ng kasunduan si Haring Zedequias sa lahat ng taga-Jerusalem na palalayain niya ang mga alipin.

9Nag-utos si Zedequias na ang sinumang may mga aliping Hebreo, maging babae o lalaki ay kinakailangan nilang palayain. Walang kapwa Hudyo na mananatiling alipin.

10At ang lahat ng mamamayan, pati ang mga namumuno ay pumayag sa kasunduang ito, at pinalaya nila ang mga alipin nila – lalaki man o babae.

11Ngunit sa bandang huli, nagbago ang isip nila at inalipin nila ulit ang mga aliping pinalaya nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.