Jeremias 34

May sinabi pa ang Panginoon kay Jeremias nang panahong gumawa ng kasunduan si Haring Zedequias sa lahat ng taga-Jerusalem na palalayain niya ang mga alipin.

Jeremiah 34:8 (UKJV) This is the word that came unto Jeremiah from the LORD, after that the king Zedekiah had made a covenant with all the people which were at Jerusalem, to proclaim liberty unto them;

6Pagkatapos, pumunta ang propetang si Jeremias sa Jerusalem, at sinabi ang lahat ng ito kay Zedequias na hari ng Juda.

7Sumasalakay na ng panahong iyon ang hukbo ng hari ng Babilonia sa Jerusalem, sa Laquis at sa Azeka. Ito na lang ang mga lungsod ng Juda na may mga pader.

8May sinabi pa ang Panginoon kay Jeremias nang panahong gumawa ng kasunduan si Haring Zedequias sa lahat ng taga-Jerusalem na palalayain niya ang mga alipin.

9Nag-utos si Zedequias na ang sinumang may mga aliping Hebreo, maging babae o lalaki ay kinakailangan nilang palayain. Walang kapwa Hudyo na mananatiling alipin.

10At ang lahat ng mamamayan, pati ang mga namumuno ay pumayag sa kasunduang ito, at pinalaya nila ang mga alipin nila – lalaki man o babae.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.