8May sinabi pa ang Panginoon kay Jeremias nang panahong gumawa ng kasunduan si Haring Zedequias sa lahat ng taga-Jerusalem na palalayain niya ang mga alipin.
9Nag-utos si Zedequias na ang sinumang may mga aliping Hebreo, maging babae o lalaki ay kinakailangan nilang palayain. Walang kapwa Hudyo na mananatiling alipin.
10At ang lahat ng mamamayan, pati ang mga namumuno ay pumayag sa kasunduang ito, at pinalaya nila ang mga alipin nila – lalaki man o babae.
11Ngunit sa bandang huli, nagbago ang isip nila at inalipin nila ulit ang mga aliping pinalaya nila.
12Kaya sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, kay Jeremias, “Gumawa ako ng kasunduan sa mga ninuno nʼyo noong pinalaya ko sila sa lupain ng Ehipto, sa lugar kung saan sila inalipin. Sinabi ko sa kanila,