3Kaya pinuntahan ko si Jaazanias (anak siya ng isa ring nagngangalang Jeremias na anak ni Habasinias) at ang lahat ng kapatid at anak niya. Sila ang buong sambahayan ng mga Recabita.
4Dinala ko sila sa templo ng Panginoon, doon sa silid ng mga anak na lalaki ni Hanan na anak ni Igdalia na lingkod ng Diyos. Ang silid na ito ay nasa tapat ng silid ng mga pinuno at nasa itaas ng silid ni Maasias na anak ni Salum, na guwardiya ng pintuan ng templo.
5Pagkatapos, naglagay ako ng mga lalagyang puno ng alak at mga tasa sa harap ng mga Recabita, at sinabi kong magsiinom sila.
6Ngunit sumagot sila, “Hindi kami umiinom ng alak. Iniutos sa amin ng ninuno naming si Jonadab na anak ng pinuno naming si Recab na kami at ang angkan namin ay hindi iinom ng alak.
7Iniutos din niya sa amin, ‘Huwag kayong magtatayo ng mga bahay o magsasaka o magtatanim ng mga ubas o magmamay-ari ng mga bagay na ito. Kinakailangang tumira lang kayo sa mga tolda. At kung susundin ninyo ito, hahaba ang buhay ninyo kahit saang lupain kayo tumira.’