Jeremias 37

Si Zedequias na anak ni Josias ay ginawang hari ng Juda ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Siya ang ipinalit kay Jehoyakin na anak ni Jehoiakim.

Jeremiah 37:1 (UKJV) And king Zedekiah the son of Josiah reigned instead of Coniah the son of Jehoiakim, whom Nebuchadrezzar king of Babylon made king in the land of Judah.

1Si Zedequias na anak ni Josias ay ginawang hari ng Juda ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Siya ang ipinalit kay Jehoyakin na anak ni Jehoiakim.

2Ngunit si Zedequias at ang mga pinuno niya pati ang mga taong pinamamahalaan nila ay hindi rin nakinig sa mensahe ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Jeremias.

3Ngayon, inutusan ni Haring Zedequias si Jehucal na anak ni Shelemia at ang paring si Zefanias na anak ni Maaseya na puntahan ang propetang si Jeremias at hilingin na ipanalangin sila sa Panginoon na kanilang Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.