Jeremias 37

Ngayon, inutusan ni Haring Zedequias si Jehucal na anak ni Shelemia at ang paring si Zefanias na anak ni Maaseya na puntahan ang propetang si Jeremias at hilingin na ipanalangin sila sa Panginoon na kanilang Diyos.

Jeremiah 37:3 (UKJV) And Zedekiah the king sent Jehucal the son of Shelemiah and Zephaniah the son of Maaseiah the priest to the prophet Jeremiah, saying, Pray now unto the LORD our God for us.

1Si Zedequias na anak ni Josias ay ginawang hari ng Juda ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Siya ang ipinalit kay Jehoyakin na anak ni Jehoiakim.

2Ngunit si Zedequias at ang mga pinuno niya pati ang mga taong pinamamahalaan nila ay hindi rin nakinig sa mensahe ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Jeremias.

3Ngayon, inutusan ni Haring Zedequias si Jehucal na anak ni Shelemia at ang paring si Zefanias na anak ni Maaseya na puntahan ang propetang si Jeremias at hilingin na ipanalangin sila sa Panginoon na kanilang Diyos.

4Nang panahong iyon, hindi pa nabibilanggo si Jeremias, kaya malaya pa siyang pumunta kahit saan.

5Nang araw ding iyon, sumasalakay ang mga taga-Babilonia sa Jerusalem, pero nang marinig nilang dumarating ang mga sundalo ng Faraon ng Ehipto, tumigil sila sa pagsalakay sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.