3Ngayon, inutusan ni Haring Zedequias si Jehucal na anak ni Shelemia at ang paring si Zefanias na anak ni Maaseya na puntahan ang propetang si Jeremias at hilingin na ipanalangin sila sa Panginoon na kanilang Diyos.
4Nang panahong iyon, hindi pa nabibilanggo si Jeremias, kaya malaya pa siyang pumunta kahit saan.
5Nang araw ding iyon, sumasalakay ang mga taga-Babilonia sa Jerusalem, pero nang marinig nilang dumarating ang mga sundalo ng Faraon ng Ehipto, tumigil sila sa pagsalakay sa Jerusalem.
6Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa propetang si Jeremias,
7“Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Sabihin mo sa hari ng Juda na nag-utos upang magtanong sa iyo kung ano ang sinabi kong mangyayari, ‘Dumating ang mga sundalo ng Faraon upang tulungan ka, pero babalik sila sa Ehipto.