Jeremias 37

“Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Sabihin mo sa hari ng Juda na nag-utos upang magtanong sa iyo kung ano ang sinabi kong mangyayari, ‘Dumating ang mga sundalo ng Faraon upang tulungan ka, pero babalik sila sa Ehipto.

Jeremiah 37:7 (UKJV) Thus says the LORD, the God of Israel; Thus shall all of you say to the king of Judah, that sent you unto me to enquire of me; Behold, Pharaoh's army, which has come forth to help you, shall return to Egypt into their own land.

5Nang araw ding iyon, sumasalakay ang mga taga-Babilonia sa Jerusalem, pero nang marinig nilang dumarating ang mga sundalo ng Faraon ng Ehipto, tumigil sila sa pagsalakay sa Jerusalem.

6Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa propetang si Jeremias,

7“Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Sabihin mo sa hari ng Juda na nag-utos upang magtanong sa iyo kung ano ang sinabi kong mangyayari, ‘Dumating ang mga sundalo ng Faraon upang tulungan ka, pero babalik sila sa Ehipto.

8Pagkatapos, muling babalik ang mga taga-Babilonia sa lungsod na ito. Sasakupin nila ito at pagkatapos ay susunugin.’ ”

9Ito pa ang sinabi ng Panginoon: “Huwag ninyong dayain ang inyong sarili sa pag-aakalang hindi na babalik ang mga taga-Babilonia. Sapagkat tiyak na babalik sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.