20Sinabi ni Jeremias, “Hindi po kayo ibibigay sa kanila kung susundin nʼyo lang ang Panginoon. Maliligtas po ang buhay nʼyo at walang anumang mangyayari sa inyo.
21Ngunit kung hindi po kayo susuko, ito naman ang sinabi sa akin ng Panginoon na mangyayari sa inyo:
22Ang lahat ng babaeng naiwan sa palasyo ng hari ng Juda ay dadalhin ng mga pinuno ng hari sa Babilonia. At sasabihin sa inyo ng mga babaeng ito, ‘Niloko po kayo ng mga matalik nʼyong kaibigan. At ngayong nakalubog po sa putik ang inyong mga paa, iniwan nila kayo.’
23“Dadalhin po nila ang lahat ng asawaʼt anak nʼyo sa Babilonia. Kayo po ay hindi rin makakatakas sa hari ng Babilonia. At ang lungsod na itoʼy susunugin nila.”
24Pagkatapos, sinabi ni Zedequias kay Jeremias, “Huwag mong sasabihin kaninuman ang napag-usapan natin upang hindi ka mamatay.