Jeremias 38

“Dadalhin po nila ang lahat ng asawaʼt anak nʼyo sa Babilonia. Kayo po ay hindi rin makakatakas sa hari ng Babilonia. At ang lungsod na itoʼy susunugin nila.”

Jeremiah 38:23 (UKJV) So they shall bring out all your wives and your children to the Chaldeans: and you shall not escape out of their hand, but shall be taken by the hand of the king of Babylon: and you shall cause this city to be burned with fire.

21Ngunit kung hindi po kayo susuko, ito naman ang sinabi sa akin ng Panginoon na mangyayari sa inyo:

22Ang lahat ng babaeng naiwan sa palasyo ng hari ng Juda ay dadalhin ng mga pinuno ng hari sa Babilonia. At sasabihin sa inyo ng mga babaeng ito, ‘Niloko po kayo ng mga matalik nʼyong kaibigan. At ngayong nakalubog po sa putik ang inyong mga paa, iniwan nila kayo.’

23“Dadalhin po nila ang lahat ng asawaʼt anak nʼyo sa Babilonia. Kayo po ay hindi rin makakatakas sa hari ng Babilonia. At ang lungsod na itoʼy susunugin nila.”

24Pagkatapos, sinabi ni Zedequias kay Jeremias, “Huwag mong sasabihin kaninuman ang napag-usapan natin upang hindi ka mamatay.

25Maaaring mabalitaan ng mga pinuno na nag-usap tayo. Baka puntahan ka nila at itanong sa iyo, ‘Ano ang pinag-usapan ninyo ng hari? Kung hindi mo sasabihin ay papatayin ka namin.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.