Jeremias 40

Aalisin ko na ngayon ang kadena mo at palalayain na kita. Kung gusto mo, sumáma ka sa akin sa Babilonia at aalagaan kita roon. Ngunit kung ayaw mo, nasa sa iyo iyon. Tingnan mo ang buong lupain; malaya kang pumunta kahit saan.

Jeremiah 40:4 (UKJV) And now, behold, I loose you this day from the chains which were upon yours hand. If it seem good unto you to come with me into Babylon, come; and I will look well unto you: but if it seem ill unto you to come with me into Babylon, forbear: behold, all the land is before you: where it seems good and convenient for you to go, thither go.

2Nang makita ni Nebuzaradan si Jeremias, sinabi niya sa kanya, “Ang Panginoon na iyong Diyos ay nagsabing wawasakin niya ang Jerusalem.

3At nangyari ito ngayon. Talagang ginawa ng Panginoon ang sinabi niya. Nangyari ito dahil gumawa ng kasalanan sa Panginoon ang mga kababayan mo at hindi sila sumunod sa kanya.

4Aalisin ko na ngayon ang kadena mo at palalayain na kita. Kung gusto mo, sumáma ka sa akin sa Babilonia at aalagaan kita roon. Ngunit kung ayaw mo, nasa sa iyo iyon. Tingnan mo ang buong lupain; malaya kang pumunta kahit saan.

5Kung gusto mo talagang magpaiwan dito, bumalik ka kay Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan. Ginawa siyang tagapangasiwa ng hari ng Babilonia sa mga bayan ng Juda. Maaari kang makapanirahang kasama niya at ng mga nasasakupan niya o kahit saan man na nais mong pumunta.” Pagkatapos, binigyan siya ni Nebuzaradan ng mga pagkain at regalo, at pinalaya.

6Kaya umalis si Jeremias at pumunta kay Gedalias na anak ni Ahikam doon sa Mizpa at tumira roon kasama ng mga taong naiwan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.