Jeremias 44

Bakit ninyo ako ginagalit sa paggawa ninyo ng inyong mga diyos? Nagsusunog pa kayo ng mga insenso para sa mga ito dito sa Ehipto kung saan kayo ngayon naninirahan. Ipinapahamak ninyo ang sarili ninyo at ginagawa ninyong kasuklam-suklam at kahiya-hiya sa lahat ng bansa sa daigdig.

Jeremiah 44:8 (UKJV) In that all of you provoke me unto wrath with the works of your hands, burning incense unto other gods in the land of Egypt, where all of you be gone to dwell, that all of you might cut yourselves off, and that all of you might be a curse and a reproach among all the nations of the earth?

6Kaya ibinuhos ko sa kanila ang tindi ng galit ko. Parang apoy ito na tumupok sa mga bayan ng Juda at Jerusalem, at naging malungkot ang mga lugar na ito at wasak hanggang ngayon.

7“Kaya ako, ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagtatanong, ‘Bakit ninyo sinisira ang inyong sarili? Gusto ba ninyo na malipol ang mga tao sa Juda – ang mga lalaki, babae, bata at mga sanggol?

8Bakit ninyo ako ginagalit sa paggawa ninyo ng inyong mga diyos? Nagsusunog pa kayo ng mga insenso para sa mga ito dito sa Ehipto kung saan kayo ngayon naninirahan. Ipinapahamak ninyo ang sarili ninyo at ginagawa ninyong kasuklam-suklam at kahiya-hiya sa lahat ng bansa sa daigdig.

9Nakalimutan na ba ninyo ang mga kasamaang ginawa ng inyong mga ninuno, mga hari, mga reyna ng Juda, ang mga kasamaang ginawa ninyo at ng inyong mga asawa sa lupain ng Juda at Jerusalem?

10Hanggang ngayoʼy hindi pa rin kayo nagpapakumbaba o natatakot sa akin. Hindi rin kayo sumunod sa mga kautusan at mga tuntunin ko na ibinigay sa inyo at sa mga ninuno ninyo.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.