11“O mga taga-Ehipto, kahit na pumunta pa kayo sa Gilead upang maghanap ng panlunas na gamot, ang lahat ng gamot ay wala nang bisa at hindi na makapagpapagaling sa inyo.
12Mababalitaan ng mga bansa sa buong daigdig ang kahihiyan at pagtangis ninyo. Sama-samang mabubuwal ang inyong mga sundalo.”
13Ito ang sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias tungkol sa pagsalakay ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia sa Ehipto:
14“Jeremias ipahayag ito sa Ehipto, Migdol, Memfis at Tapanhes: ‘Humanda na kayo sapagkat nakahanda na ang espada upang lipulin kayo.’
15Bakit nakadapa ang inyong mga kawal? Hindi sila makakatayo, sapagkat itutumba sila ng Panginoon.