12Mababalitaan ng mga bansa sa buong daigdig ang kahihiyan at pagtangis ninyo. Sama-samang mabubuwal ang inyong mga sundalo.”
13Ito ang sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias tungkol sa pagsalakay ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia sa Ehipto:
14“Jeremias ipahayag ito sa Ehipto, Migdol, Memfis at Tapanhes: ‘Humanda na kayo sapagkat nakahanda na ang espada upang lipulin kayo.’
15Bakit nakadapa ang inyong mga kawal? Hindi sila makakatayo, sapagkat itutumba sila ng Panginoon.
16Madadapa at mabubuwal sila nang paulit-ulit. Sasabihin nila, ‘Bumangon tayo at bumalik sa ating mga kababayan at sa lupaing sinilangan natin, upang makaiwas tayo sa espada ng ating mga kaaway.’