31Kaya ang Moab ay aking iiyakan, tatangisan ko ang kanyang mamamayan, at daraing ako para sa mga taong nasa Kir-heres.
32Iiyak din ako para sa mga taga-Sibma nang higit kaysa sa pag-iyak ko para sa mga taga-Jazer. Sibma, ikaw ay halamang ubas na ang mga sanga ay umabot sa kabila ng Dagat na Patay hanggang sa Jazer. Ngunit ngayon, inubos ng mga maninira ang iyong mga bunga.
33Wala nang maririnig na kasiyahan at katuwaan sa mga bukid at mga ubasan sa lupain ng Moab. Hindi na umaagos ang katas ng ubas sa mga pisaan. Wala nang mga pumipisa ng ubas na sumisigaw sa tuwa. May mga sumisigaw nga, pero hindi na sigaw ng tuwa.
34“Ang iyakan ng mga taga-Hesbon ay naririnig hanggang sa Eleale at Jahaz. Ang iyakan ng mga taga-Zoar ay naririnig hanggang sa Horonaim at sa Eglat-selisiya. Sapagkat kahit ang batis ng Nimrim ay tuyo na.
35Patitigilin ko sa Moab ang mga naghahandog sa mga sambahan sa matataas na lugar at nagsusunog ng insenso sa mga diyos-diyosan nila,” wika ng Panginoon.