Jeremias 48

Kaya ang Moab ay aking iiyakan, tatangisan ko ang kanyang mamamayan, at daraing ako para sa mga taong nasa Kir-heres.

Jeremiah 48:31 (UKJV) Therefore will I wail for Moab, and I will cry out for all Moab; mine heart shall mourn for the men of Kirheres.

29“Narinig namin ang kayabangan ng mga taga-Moab, kung gaano sila kaangas at kahambog; ang kanilang pagmamalaki at kapalaluan, at ang kanilang mapagmataas na puso.

30Nalalaman ko kung gaano sila kayabang,” sabi ng Panginoon, “ngunit iyan ay walang kabuluhan.

31Kaya ang Moab ay aking iiyakan, tatangisan ko ang kanyang mamamayan, at daraing ako para sa mga taong nasa Kir-heres.

32Iiyak din ako para sa mga taga-Sibma nang higit kaysa sa pag-iyak ko para sa mga taga-Jazer. Sibma, ikaw ay halamang ubas na ang mga sanga ay umabot sa kabila ng Dagat na Patay hanggang sa Jazer. Ngunit ngayon, inubos ng mga maninira ang iyong mga bunga.

33Wala nang maririnig na kasiyahan at katuwaan sa mga bukid at mga ubasan sa lupain ng Moab. Hindi na umaagos ang katas ng ubas sa mga pisaan. Wala nang mga pumipisa ng ubas na sumisigaw sa tuwa. May mga sumisigaw nga, pero hindi na sigaw ng tuwa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.