Jeremias 48

“Gayon na lamang ang pagkawasak ng Moab! Pakinggan ninyo ang iyakan ng mga mamamayan. Nakakahiya ang Moab. Kinukutya at kinamumuhian ito ng mga bansa sa palibot nito.”

Jeremiah 48:39 (UKJV) They shall wail, saying, How is it broken down! how has Moab turned the back with shame! so shall Moab be a derision and a dismaying to all them about him.

37Ang bawat isaʼy nagpahayag ng kalungkutan nila sa pamamagitan ng pagpapakalbo, pag-aahit, pagsugat sa kanilang mga kamay at pagsusuot ng damit na pangluksa.

38Nag-iiyakan ang mga tao sa mga bahay nila at sa mga plasa sapagkat winasak ko ang Moab na parang banga na binasag at wala nang pumapansin,” wika ng Panginoon.

39“Gayon na lamang ang pagkawasak ng Moab! Pakinggan ninyo ang iyakan ng mga mamamayan. Nakakahiya ang Moab. Kinukutya at kinamumuhian ito ng mga bansa sa palibot nito.”

40Sinabi pa ng Panginoon, “Tingnan niyo! Ang kaaway ng Moab ay parang agila na lumilipad upang dagitin ito.

41Sasakupin ang Keriot at ang mga kampo ng Moab. Sa mga araw na iyon, matatakot ang mga sundalo ng Moab katulad ng isang babaeng malapit nang manganak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.