39“Gayon na lamang ang pagkawasak ng Moab! Pakinggan ninyo ang iyakan ng mga mamamayan. Nakakahiya ang Moab. Kinukutya at kinamumuhian ito ng mga bansa sa palibot nito.”
40Sinabi pa ng Panginoon, “Tingnan niyo! Ang kaaway ng Moab ay parang agila na lumilipad upang dagitin ito.
41Sasakupin ang Keriot at ang mga kampo ng Moab. Sa mga araw na iyon, matatakot ang mga sundalo ng Moab katulad ng isang babaeng malapit nang manganak.
42Mawawasak ang Moab dahil sa paghihimagsik niya sa Panginoon.
43Ang sasapitin ng mga taga-Moab ay takot, hukay at bitag,” sabi ng Panginoon.