41Sasakupin ang Keriot at ang mga kampo ng Moab. Sa mga araw na iyon, matatakot ang mga sundalo ng Moab katulad ng isang babaeng malapit nang manganak.
42Mawawasak ang Moab dahil sa paghihimagsik niya sa Panginoon.
43Ang sasapitin ng mga taga-Moab ay takot, hukay at bitag,” sabi ng Panginoon.
44“Ang sinumang tatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay. At ang sinumang makakaligtas sa hukay ay mahuhuli sa bitag, dahil talagang parurusahan ko ang Moab sa takdang panahon,” sabi ng Panginoon.
45“Ang mga kawawang nakatakas ay nais magtago sa Hesbon. Ngunit ang Hesbon na pinagharian ni Haring Sihon ay nagliliyab sa apoy at nilamon pati ang mga kabundukan na pinagtataguan ng mga taga-Moab na nagnanais ng digmaan.