43Ang sasapitin ng mga taga-Moab ay takot, hukay at bitag,” sabi ng Panginoon.
44“Ang sinumang tatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay. At ang sinumang makakaligtas sa hukay ay mahuhuli sa bitag, dahil talagang parurusahan ko ang Moab sa takdang panahon,” sabi ng Panginoon.
45“Ang mga kawawang nakatakas ay nais magtago sa Hesbon. Ngunit ang Hesbon na pinagharian ni Haring Sihon ay nagliliyab sa apoy at nilamon pati ang mga kabundukan na pinagtataguan ng mga taga-Moab na nagnanais ng digmaan.
46Kahabag-habag kayo, kayong mga taga-Moab! Kayong mga sumasamba sa diyos-diyosang si Cemos ay mapapahamak, Ang inyong mga anak na lalaki ay dadalhin sa ibang bayan at ang inyong mga anak na babae ay bibihagin ng mga dayuhan.
47“Ngunit darating ang araw na ibabalik ko ang mabuting kalagayan ng Moab,” sabi ng Panginoon. Ito ang pahayag tungkol sa Moab.