Jeremias 48

Nag-iiyakan ang mga tao sa mga bahay nila at sa mga plasa sapagkat winasak ko ang Moab na parang banga na binasag at wala nang pumapansin,” wika ng Panginoon.

Jeremiah 48:38 (UKJV) There shall be lamentation generally upon all the housetops of Moab, and in the streets thereof: for I have broken Moab like a vessel wherein is no pleasure, says the LORD.

36“Kaya umiiyak ang aking puso para sa Moab at sa mga taga-Kir-hareset, gaya ng malungkot na tugtog ng plauta sa patay. Wala na ang mga kayamanang nakamit nila.

37Ang bawat isaʼy nagpahayag ng kalungkutan nila sa pamamagitan ng pagpapakalbo, pag-aahit, pagsugat sa kanilang mga kamay at pagsusuot ng damit na pangluksa.

38Nag-iiyakan ang mga tao sa mga bahay nila at sa mga plasa sapagkat winasak ko ang Moab na parang banga na binasag at wala nang pumapansin,” wika ng Panginoon.

39“Gayon na lamang ang pagkawasak ng Moab! Pakinggan ninyo ang iyakan ng mga mamamayan. Nakakahiya ang Moab. Kinukutya at kinamumuhian ito ng mga bansa sa palibot nito.”

40Sinabi pa ng Panginoon, “Tingnan niyo! Ang kaaway ng Moab ay parang agila na lumilipad upang dagitin ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.