Jeremias 49

Sinabi pa ng Panginoon, “Kung ang mga walang kasalanan ay nagdurusa, kayo pa kaya? Tiyak na parurusahan kayo.

Jeremiah 49:12 (UKJV) For thus says the LORD; Behold, they whose judgment was not to drink of the cup have assuredly drunken; and are you he that shall altogether go unpunished? you shall not go unpunished, but you shall surely drink of it.

10Ngunit kukunin ang lahat ng ari-arian ng mga angkan ni Esau. Kukunin ko ang takip ng pinagtataguan nila upang hindi na sila makapagtago. Mamamatay ang mga anak, kamag-anak at mga kapitbahay nila. Walang matitira sa kanila.

11Ngunit maiiwan sa akin ang mga ulila nʼyo dahil ako ang kakalinga sa kanila. At ang mga biyuda nʼyo ay makakaasa sa akin.”

12Sinabi pa ng Panginoon, “Kung ang mga walang kasalanan ay nagdurusa, kayo pa kaya? Tiyak na parurusahan kayo.

13Isinusumpa ko sa sarili ko na ang Bosra ay mawawasak. Magiging nakakatakot ang kalagayan nito, at kukutyain at susumpain ito. Ang lahat ng bayan nito ay magiging wasak magpakailanman. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

14Narinig ko ang balita mula sa Panginoon na nagpadala siya ng mga sugo sa mga bansa upang paghandain sila sa digmaan at hikayatin silang salakayin ang bansa ng Edom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.