17Sinabi pa ng Panginoon, “Magiging malagim ang kalagayan ng Edom. Ang lahat ng dumadaan ay mangingilabot at halos hindi makapaniwala sa nangyari sa bansang ito.
18Kung paanong nawasak ang Sodoma at Gomora at ang mga bayan sa palibot nito, ganoon din ang mangyayari sa Edom. At wala nang taong maninirahan dito,” sabi ng Panginoon.
19Bigla kong sasalakayin ang Babilonia katulad ng leon na galing sa kagubatang malapit sa Ilog Jordan, sasalakay patungo sa pastulan ng maraming tupa. Magsisitakas sila, at pipili ako ng taong mamamahala sa Edom. Sino ang maitutulad sa akin? Sino ang mangangahas na kalabanin ako? Sino ang pinunong makakalaban sa akin?
20Kaya pakinggan ninyo ang binabalak gawin ng Panginoon laban sa Edom pati sa mga mamamayan ng Teman: Bibihagin ko ang mga anak nila at gigibain ang mga tahanan nila.
21At dahil sa matinding pagkawasak ng Edom, mayayanig ang lupa at ang iyakan ng mga tagaroon ay maririnig hanggang sa Dagat na Pula.