Jeremias 49

“Ngunit darating ang araw na ibabalik ko kayamanan ng mga Amonita,” sabi ng Panginoon.

Jeremiah 49:6 (UKJV) And afterward I will bring again the captivity of the children of Ammon, says the LORD.

4Kayong mga taksil, bakit ninyo ipinagyayabang ang inyong masaganang mga kapatagan? Nagtitiwala kayo sa inyong kayamanan at sinasabi ninyong walang sasalakay sa inyo.

5Magpapadala ako sa inyo ng mga kaaway mula sa mga bansa sa palibot ninyo upang takutin kayo,” sabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo. “Palalayasin nila kayo sa inyong lupain at walang sinumang makakatulong sa inyo.

6“Ngunit darating ang araw na ibabalik ko kayamanan ng mga Amonita,” sabi ng Panginoon.

7Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo tungkol sa Edom: “Nasaan na ang marurunong sa Teman? Wala na bang natitirang marunong magpayo?

8Kayong mga nakatira sa Dedan tumakas kayo at magtago sa malalalim na kuweba. Sapagkat padadalhan ko ng kapahamakan ang mga lahi ni Esau sa oras na parusahan ko sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.