Jeremias 49

Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo tungkol sa Edom: “Nasaan na ang marurunong sa Teman? Wala na bang natitirang marunong magpayo?

Jeremiah 49:7 (UKJV) Concerning Edom, thus says the LORD of hosts; Is wisdom no more in Teman? is counsel perished from the prudent? is their wisdom vanished?

5Magpapadala ako sa inyo ng mga kaaway mula sa mga bansa sa palibot ninyo upang takutin kayo,” sabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo. “Palalayasin nila kayo sa inyong lupain at walang sinumang makakatulong sa inyo.

6“Ngunit darating ang araw na ibabalik ko kayamanan ng mga Amonita,” sabi ng Panginoon.

7Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo tungkol sa Edom: “Nasaan na ang marurunong sa Teman? Wala na bang natitirang marunong magpayo?

8Kayong mga nakatira sa Dedan tumakas kayo at magtago sa malalalim na kuweba. Sapagkat padadalhan ko ng kapahamakan ang mga lahi ni Esau sa oras na parusahan ko sila.

9Hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nag-iiwan ng mga bunga? Hindi baʼt ang mga magnanakaw ay kumukuha rin lang ng anumang magugustuhan nila?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.