45“Mga hinirang ko, lumayo na kayo sa Babilonia! Iligtas ninyo ang inyong buhay bago ibuhos ng Panginoon ang kanyang galit.
46Ngunit huwag kayong matatakot o manlulupaypay kung dumating na ang balita tungkol sa digmaan. Sapagkat ang balita tungkol sa digmaan ng mga hari ay darating sa bawat taon.
47Darating ang panahon na parurusahan ko ang mga diyos-diyosan ng Babilonia. Mapapahiya ang buong Babilonia, at bubulagta sa daan ang lahat ng mga bangkay ng kanyang mamamayan.
48At kapag nangyari iyon, sisigaw sa kagalakan ang langit at ang lupa, at ang lahat ng nandito dahil sa pagkawasak ng Babilonia. Sapagkat sasalakayin ito ng mga mangwawasak mula sa hilaga,” sabi ng Panginoon.
49“Kinakailangang wasakin ang Babilonia dahil sa pagpatay niya sa mga Israelita at sa iba pang mga tao sa buong mundo.