47Darating ang panahon na parurusahan ko ang mga diyos-diyosan ng Babilonia. Mapapahiya ang buong Babilonia, at bubulagta sa daan ang lahat ng mga bangkay ng kanyang mamamayan.
48At kapag nangyari iyon, sisigaw sa kagalakan ang langit at ang lupa, at ang lahat ng nandito dahil sa pagkawasak ng Babilonia. Sapagkat sasalakayin ito ng mga mangwawasak mula sa hilaga,” sabi ng Panginoon.
49“Kinakailangang wasakin ang Babilonia dahil sa pagpatay niya sa mga Israelita at sa iba pang mga tao sa buong mundo.
50Kayong mga natitirang buháy mula sa digmaan, tumakas na kayo mula sa Babilonia at huwag kayong tumigil! Alalahanin ninyo ang Panginoon at ang Jerusalem kahit na nasa malalayo kayong lugar.
51“Sinasabi ninyo, ‘Nahihiya kami. Kinukutya kami at inilalagay sa kahihiyan dahil ang Templo ng Panginoon ay dinungisan ng mga dayuhan.’