Jeremias 9

Dumating ang kamatayan sa ating mga sambahayan at sa matitibay na bahagi ng ating lungsod. Pinatay ang mga batang naglalaro sa mga lansangan at ang mga kabataang lalaki na nagkakatipon sa mga plasa.

Jeremiah 9:21 (UKJV) For death has come up into our windows, and is entered into our palaces, to cut off the children from without, and the young men from the streets.

19Pakinggan ang mga pag-iyak sa Jerusalem: ‘Nawasak tayo! Nakakahiya ang nangyaring ito sa atin! Kailangang iwan na natin ang ating lupain dahil nawasak na ang ating mga tahanan!’ ”

20Ngayon, kayong mga babae, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon. Pakinggan ninyong mabuti ang kanyang mga salita. Turuan ninyo ang inyong mga anak na babae at ang inyong kapwa na umiyak at managhoy.

21Dumating ang kamatayan sa ating mga sambahayan at sa matitibay na bahagi ng ating lungsod. Pinatay ang mga batang naglalaro sa mga lansangan at ang mga kabataang lalaki na nagkakatipon sa mga plasa.

22At sinabi ng Panginoon, “Kakalat ang mga bangkay na parang mga dumi sa kabukiran, at parang mga butil na naiwan ng mga nag-aani, at wala nang kukuha sa mga ito.”

23Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Hindi dapat ipagmalaki ng marunong ang karunungan niya, o ng malakas ang kalakasan niya, o ng mayaman ang kayamanan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.