Jeremias 9

Ang kanilang mga dila ay parang panang nakamamatay. Puro na lang pandaraya ang kanilang sinasabi. Nakikipag-usap sila nang mabuti sa kapwa nila ngunit sa puso nilaʼy masama ang binabalak nila.

Jeremiah 9:8 (UKJV) Their tongue is as an arrow shot out; it speaks deceit: one speaks peaceably to his neighbour with his mouth, but in heart he lays his wait.

6Puro na lang pandaraya ang kanilang ginagawa, at dahil sa pandaraya ay ayaw na nila akong kilalanin,” sabi ng Panginoon.

7Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Dadalisayin ko sila na parang metal at susubukin ko sila. Ano pa ang maaari kong gawin sa kanila?

8Ang kanilang mga dila ay parang panang nakamamatay. Puro na lang pandaraya ang kanilang sinasabi. Nakikipag-usap sila nang mabuti sa kapwa nila ngunit sa puso nilaʼy masama ang binabalak nila.

9Hindi baʼt nararapat ko silang parusahan? Hindi ba dapat na paghigantihan ko ang bansang katulad nito?” wika ng Panginoon.

10Sinabi ni Jeremias: Iiyak ako nang malakas para sa mga kabundukan at mananaghoy ako para sa mga pastulan. Dahil malungkot na ito at wala nang dumadaan. Hindi na marinig ang ungal ng mga baka, at nag-alisan na ang mga ibon at mga hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.