Joel 2

Dumadagundong ang sigaw ng Panginoon habang pinamumunuan ang kanyang hukbo; lubhang napakarami ng kanyang mga sundalo, at makapangyarihan ang mga sumusunod sa kanyang utos. Dakila ang araw ng paghatol ng Panginoon; itoʼy sadyang kakila-kilabot. Sino ang makakatiis nito?

Joel 2:11 (UKJV) And the LORD shall utter his voice before his army: for his camp is very great: for he is strong that executes his word: for the day of the LORD is great and very terrible; and who can abide it?

9Sinasalakay nila ang lungsod at inaakyat ang mga pader nito. Inaakyat nila ang mga bahay at pumapasok sa mga bintana na parang magnanakaw.

10Nayayanig ang lupa at ang langit sa kanilang pagdating. At nagdidilim ang araw at ang buwan, at nawawalan ng liwanag ang mga bituin.

11Dumadagundong ang sigaw ng Panginoon habang pinamumunuan ang kanyang hukbo; lubhang napakarami ng kanyang mga sundalo, at makapangyarihan ang mga sumusunod sa kanyang utos. Dakila ang araw ng paghatol ng Panginoon; itoʼy sadyang kakila-kilabot. Sino ang makakatiis nito?

12Sinabi ng Panginoon, “Gayunman, magbalik-loob kayo sa akin nang buong puso, may pag-aayuno, pananangis at pagdadalamhati.”

13Magsisi kayo nang buong puso at hindi pakitang-tao lamang tulad ng pagpunit ninyo ng inyong mga damit. Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos, sapagkat siyaʼy mahabagin at mapagmalasakit, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig. Naghuhunos-dili siya at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.