Joel 2

Magsisi kayo nang buong puso at hindi pakitang-tao lamang tulad ng pagpunit ninyo ng inyong mga damit. Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos, sapagkat siyaʼy mahabagin at mapagmalasakit, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig. Naghuhunos-dili siya at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.

Joel 2:13 (UKJV) And rend your heart, and not your garments, and turn unto the LORD your God: for he is gracious and merciful, slow to anger, and of great kindness, and repents him of the evil.

11Dumadagundong ang sigaw ng Panginoon habang pinamumunuan ang kanyang hukbo; lubhang napakarami ng kanyang mga sundalo, at makapangyarihan ang mga sumusunod sa kanyang utos. Dakila ang araw ng paghatol ng Panginoon; itoʼy sadyang kakila-kilabot. Sino ang makakatiis nito?

12Sinabi ng Panginoon, “Gayunman, magbalik-loob kayo sa akin nang buong puso, may pag-aayuno, pananangis at pagdadalamhati.”

13Magsisi kayo nang buong puso at hindi pakitang-tao lamang tulad ng pagpunit ninyo ng inyong mga damit. Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos, sapagkat siyaʼy mahabagin at mapagmalasakit, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig. Naghuhunos-dili siya at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.

14Baka sakaling magbago ang isip ng Panginoon na inyong Diyos at pagpalain kayo ng masaganang ani, upang makapaghandog kayo sa kanya ng mga butil at inumin.

15Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion at ipaalam sa mga tao na magtipon sila at mag-ayuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.