Joel 2

Baka sakaling magbago ang isip ng Panginoon na inyong Diyos at pagpalain kayo ng masaganang ani, upang makapaghandog kayo sa kanya ng mga butil at inumin.

Joel 2:14 (UKJV) Who knows if he will return and repent, and leave a blessing behind him; even a food offering and a drink offering unto the LORD your God?

12Sinabi ng Panginoon, “Gayunman, magbalik-loob kayo sa akin nang buong puso, may pag-aayuno, pananangis at pagdadalamhati.”

13Magsisi kayo nang buong puso at hindi pakitang-tao lamang tulad ng pagpunit ninyo ng inyong mga damit. Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos, sapagkat siyaʼy mahabagin at mapagmalasakit, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig. Naghuhunos-dili siya at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.

14Baka sakaling magbago ang isip ng Panginoon na inyong Diyos at pagpalain kayo ng masaganang ani, upang makapaghandog kayo sa kanya ng mga butil at inumin.

15Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion at ipaalam sa mga tao na magtipon sila at mag-ayuno.

16Gawin ninyo ang seremonya ng paglilinis at magtipon kayong lahat, bata at matanda, pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.