Joel 2

Magalak kayong mga taga-Zion, sa ginawa sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Sapagkat binigyan niya kayo ng unang ulan at nasundan pa ito gaya ng dati upang ipakita na matuwid siya.

Joel 2:23 (UKJV) Be glad then, all of you children of Zion, and rejoice in the LORD your God: for he has given you the former rain moderately, and he will cause to come down for you the rain, the former rain, and the latter rain in the first month.

21Hindi dapat matakot ang lupain ng Juda, sa halip dapat itong magalak dahil sa kamangha-manghang ginawa ng Panginoon.

22Huwag matakot ang mga hayop, dahil luntian na ang mga pastulan at namumunga na ang mga punongkahoy, pati na ang mga igos, gayon din ang mga ubas.

23Magalak kayong mga taga-Zion, sa ginawa sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Sapagkat binigyan niya kayo ng unang ulan at nasundan pa ito gaya ng dati upang ipakita na matuwid siya.

24Mapupuno ng butil ang mga giikan, at aapaw ang bagong alak at langis sa mga pisaan nito.

25Sapagkat sinasabi ng Panginoon, “Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo noong mga panahong sinalakay ang inyong mga pananim ng sunod-sunod na pulutong ng mga balang na iyon. Ako ang nagpadala sa inyo ng napakalaking pulutong ng mga balang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.