Joel 3

Aatungal na parang leon ang Panginoon mula sa Zion; dadagundong ang kanyang tinig mula sa Jerusalem. Kaya mayayanig a ng lupa at langit. Ngunit ang Panginoon ang matibay na kanlungan para sa mga Israelita na kanyang mamamayan.

Joel 3:16 (UKJV) The LORD also shall roar out of Zion, and utter his voice from Jerusalem; and the heavens and the earth shall shake: but the LORD will be the hope of his people, and the strength of the children of Israel.

14Napakaraming tao ang naroon sa Lambak ng Paghatol, dahil malapit nang dumating ang araw ng paghatol ng Panginoon.

15Magdidilim ang araw at ang buwan, at hindi na magliliwanag ang mga bituin.

16Aatungal na parang leon ang Panginoon mula sa Zion; dadagundong ang kanyang tinig mula sa Jerusalem. Kaya mayayanig a ng lupa at langit. Ngunit ang Panginoon ang matibay na kanlungan para sa mga Israelita na kanyang mamamayan.

17“Malalaman ninyong mga taga-Juda na ako, ang Panginoon na inyong Diyos, ay nananahan sa Zion, ang aking banal na bundok. Magiging banal muli ang Jerusalem; hindi na ito muling lulusubin ng ibang bansa.

18“Sa panahong iyon, pagpapalain ko kayo. Magiging sagana ang inyong bagong alak na mula sa maraming ubas sa mga bundok. Magiging sagana rin ang inyong gatas mula sa maraming baka at kambing na nanginginain sa mga burol. At hindi na matutuyuan ang inyong mga sapa at ilog. At may bukal mula sa templo ng Panginoon na dadaloy sa lambak na may mga punong akasya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.