Joel 3

“Sa panahong iyon, pagpapalain ko kayo. Magiging sagana ang inyong bagong alak na mula sa maraming ubas sa mga bundok. Magiging sagana rin ang inyong gatas mula sa maraming baka at kambing na nanginginain sa mga burol. At hindi na matutuyuan ang inyong mga sapa at ilog. At may bukal mula sa templo ng Panginoon na dadaloy sa lambak na may mga punong akasya.

Joel 3:18 (UKJV) And it shall come to pass in that day, that the mountains shall drop down new wine, and the hills shall flow with milk, and all the rivers of Judah shall flow with waters, and a fountain shall come forth out of the house of the LORD, and shall water the valley of Shittim.

16Aatungal na parang leon ang Panginoon mula sa Zion; dadagundong ang kanyang tinig mula sa Jerusalem. Kaya mayayanig a ng lupa at langit. Ngunit ang Panginoon ang matibay na kanlungan para sa mga Israelita na kanyang mamamayan.

17“Malalaman ninyong mga taga-Juda na ako, ang Panginoon na inyong Diyos, ay nananahan sa Zion, ang aking banal na bundok. Magiging banal muli ang Jerusalem; hindi na ito muling lulusubin ng ibang bansa.

18“Sa panahong iyon, pagpapalain ko kayo. Magiging sagana ang inyong bagong alak na mula sa maraming ubas sa mga bundok. Magiging sagana rin ang inyong gatas mula sa maraming baka at kambing na nanginginain sa mga burol. At hindi na matutuyuan ang inyong mga sapa at ilog. At may bukal mula sa templo ng Panginoon na dadaloy sa lambak na may mga punong akasya.

19Ang Ehipto ay magiging lugar na tiwangwang at ang Edom ay magiging ilang, dahil pinagmalupitan nila ang mga taga-Juda; pinatay nila ang mga taong walang kasalanan.

20Ngunit ang Juda at ang Jerusalem ay titirhan magpakailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.