Hoseas 1

Subalit kaaawaan ko ang mga mamamayan ng Juda. Ako, ang Panginoon nilang Diyos, ang magliligtas sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan ko at hindi sa pamamagitan ng digmaan – ng pana at espada, mga kabayo o mangangabayo.”

Hosea 1:7 (UKJV) But I will have mercy upon the house of Judah, and will save them by the LORD their God, and will not save them by bow, nor by sword, nor by battle, by horses, nor by horsemen.

5Sa araw na iyon, ipapalupig ko ang mga sundalo ng Israel doon sa Lambak ng Jezreel.”

6Muling nabuntis si Gomer at nanganak ng isang babae. Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ruhama ang ipangalan mo sa bata, dahil hindi ko kahahabagan ni patatawarin ang mga mamamayan ng Israel.

7Subalit kaaawaan ko ang mga mamamayan ng Juda. Ako, ang Panginoon nilang Diyos, ang magliligtas sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan ko at hindi sa pamamagitan ng digmaan – ng pana at espada, mga kabayo o mangangabayo.”

8Nang maawat na ni Gomer si Lo Ruhama, nabuntis ulit siya at nanganak ng lalaki.

9Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ami ang ipangalan mo sa bata, sapagkat ang mga mamamayan ng Israel ay hindi ko na mga mamamayan at ako ay hindi na nila Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.