7Subalit kaaawaan ko ang mga mamamayan ng Juda. Ako, ang Panginoon nilang Diyos, ang magliligtas sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan ko at hindi sa pamamagitan ng digmaan – ng pana at espada, mga kabayo o mangangabayo.”
8Nang maawat na ni Gomer si Lo Ruhama, nabuntis ulit siya at nanganak ng lalaki.
9Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ami ang ipangalan mo sa bata, sapagkat ang mga mamamayan ng Israel ay hindi ko na mga mamamayan at ako ay hindi na nila Diyos.
10“Subalit darating ang araw na kahahabagan ko sila at pagpapalain; dadami silang tulad ng buhangin sa tabing-dagat na hindi kayang takalin o bilangin. Sa lugar na tinatawag silang ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’ silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Diyos na buháy.’
11Magkakasamang muli ang mga mamamayan ng Juda at ng Israel, at pipili sila ng iisang pinuno. Muli silang uunlad sa kanilang lupain. Napakasaya ng araw na iyon para sa mga taga-Jezreel.