Hoseas 1

“Subalit darating ang araw na kahahabagan ko sila at pagpapalain; dadami silang tulad ng buhangin sa tabing-dagat na hindi kayang takalin o bilangin. Sa lugar na tinatawag silang ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’ silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Diyos na buháy.’

Hosea 1:10 (UKJV) Yet the number of the children of Israel shall be as the sand of the sea, which cannot be measured nor numbered; and it shall come to pass, that in the place where it was said unto them, All of you are not my people, there it shall be said unto them, All of you are the sons of the living God.

8Nang maawat na ni Gomer si Lo Ruhama, nabuntis ulit siya at nanganak ng lalaki.

9Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ami ang ipangalan mo sa bata, sapagkat ang mga mamamayan ng Israel ay hindi ko na mga mamamayan at ako ay hindi na nila Diyos.

10“Subalit darating ang araw na kahahabagan ko sila at pagpapalain; dadami silang tulad ng buhangin sa tabing-dagat na hindi kayang takalin o bilangin. Sa lugar na tinatawag silang ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’ silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Diyos na buháy.’

11Magkakasamang muli ang mga mamamayan ng Juda at ng Israel, at pipili sila ng iisang pinuno. Muli silang uunlad sa kanilang lupain. Napakasaya ng araw na iyon para sa mga taga-Jezreel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.