Hoseas 10

“Subalit nagtanim kayo ng kasamaan, kaya umani rin kayo ng kasamaan. Nagsinungaling kayo, at iyan ang bunga ng inyong kasamaan. At dahil sa nagtitiwala kayo sa sarili ninyong kakayahan at sa marami ninyong mga kawal,

Hosea 10:13 (UKJV) All of you have plowed wickedness, all of you have reaped iniquity; all of you have eaten the fruit of lies: because you did trust in your way, in the multitude of your mighty men.

11Noon, para kayong dumalagang baka na sinanay na gumiik at gustong-gusto ang gawaing ito. Subalit ngayon, pahihirapan ko kayong mga taga-Israel at pati ang mga taga-Juda. Magiging tulad kayo ng dumalagang baka na sisingkawan ang makinis na leeg at pahihirapan sa paghila ng pang-araro.’

12Sinabi ko sa inyo, ‘Palambutin ninyo ang inyong mga puso tulad ng binungkal na lupa. Magtanim kayo ng katuwiran at mag-aani kayo ng pagmamahal. Sapagkat panahon na upang magbalik-loob kayo sa Panginoon hanggang sa aking pagdating, at pauulanan ko kayo ng tagumpay.’

13“Subalit nagtanim kayo ng kasamaan, kaya umani rin kayo ng kasamaan. Nagsinungaling kayo, at iyan ang bunga ng inyong kasamaan. At dahil sa nagtitiwala kayo sa sarili ninyong kakayahan at sa marami ninyong mga kawal,

14darating ang digmaan sa inyong mga mamamayan at magigiba ang inyong mga tanggulan. Gagawin ng mga kalaban ninyo ang ginawa ni Shalman sa lungsod ng Bet-arbel nang pagluray-lurayin niya ang mga ina at ang kanilang mga anak.

15Ganyan din ang mangyayari sa iyo, Betel, dahil sukdulan na ang kasamaan ninyo. Sa pagbubukang-liwayway ng araw na iyon, tiyak na mamamatay ang hari ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.