9“Sinabi ng Panginoon, ‘Kayong mga mamamayan ng Israel ay patuloy sa pagkakasala mula pa noong magkasala ang inyong mga ninuno doon sa Gibea. Hindi kayo nagbago. Kaya kayong mga lahi ng masasama ay lulusubin sa Gibea.
10Gusto ko na kayong parusahan. Kaya magsasanib ang mga bansa upang lusubin kayo dahil sa patuloy ninyong pagkakasala.
11Noon, para kayong dumalagang baka na sinanay na gumiik at gustong-gusto ang gawaing ito. Subalit ngayon, pahihirapan ko kayong mga taga-Israel at pati ang mga taga-Juda. Magiging tulad kayo ng dumalagang baka na sisingkawan ang makinis na leeg at pahihirapan sa paghila ng pang-araro.’
12Sinabi ko sa inyo, ‘Palambutin ninyo ang inyong mga puso tulad ng binungkal na lupa. Magtanim kayo ng katuwiran at mag-aani kayo ng pagmamahal. Sapagkat panahon na upang magbalik-loob kayo sa Panginoon hanggang sa aking pagdating, at pauulanan ko kayo ng tagumpay.’
13“Subalit nagtanim kayo ng kasamaan, kaya umani rin kayo ng kasamaan. Nagsinungaling kayo, at iyan ang bunga ng inyong kasamaan. At dahil sa nagtitiwala kayo sa sarili ninyong kakayahan at sa marami ninyong mga kawal,