14“Hindi ko kayo ililigtas sa kamatayan. Sa halip sasabihin ko sa kamatayan, ‘O kamatayan, nasaan ang iyong mga salot? Nasaan ang iyong kapahamakan na papatay sa kanila?’ “Hinding-hindi ko kayo kahahabagan.
15Kahit na mas maunlad kayo kaysa sa inyong kapwa, lilipulin ko kayo. Paiihipin ng Panginoon ang mainit na hanging silangan na nagmumula sa disyerto at matutuyo ang inyong mga bukal at mga balon, at sasamsamin ang inyong mahahalagang ari-arian.
16Dapat pasanin ng mga taga-Samaria ang kanilang pagkakasala dahil naging suwail sila sa akin na kanilang Diyos. Mamamatay sila sa digmaan; ang kanilang mga sanggol ay dudurugin, at ang tiyan ng kanilang mga buntis ay lalaslasin.”