1“Noong una, kapag nagsalita ang lahi ni Efraim, nanginginig sa takot ang ibang mga lahi ng Israel dahil tinitingala nila ang lahi ni Efraim. Ngunit nagkasala ang mga mamamayan nito dahil sumamba sila sa diyos-diyosang si Baal. Kaya nga namatay sila.
2Hanggang ngayon ay patuloy pa rin kayo sa paggawa ng kasalanan. Gumagawa kayo ng mga diyos-diyosan mula sa inyong mga pilak upang sambahin. Ngunit ang lahat ng ito ay gawa lamang ng tao at ayon lang sa kanyang naisip. Sinasabi pa ninyo na maghahandog kayo ng tao sa mga diyos-diyosang baka at hahalik sa mga ito.
3Kaya mawawala kayo gaya ng ulap sa umaga o hamog, o gaya ng ipa sa giikan na tinatangay ng hangin o ng usok na lumalabas sa pausukan.
4“Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto. Wala kayong kikilalaning Diyos at Tagapagligtas maliban sa akin.
5Kinalinga ko kayo doon sa disyerto, sa lupaing tuyot at walang tubig.