Hoseas 13

Ngunit pagkatapos ko kayong pagpalain at paunlarin, naging mapagmataas kayo at kinalimutan na ninyo ako.

Hosea 13:6 (UKJV) According to their pasture, so were they filled; they were filled, and their heart was exalted; therefore have they forgotten me.

4“Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto. Wala kayong kikilalaning Diyos at Tagapagligtas maliban sa akin.

5Kinalinga ko kayo doon sa disyerto, sa lupaing tuyot at walang tubig.

6Ngunit pagkatapos ko kayong pagpalain at paunlarin, naging mapagmataas kayo at kinalimutan na ninyo ako.

7Kaya sasalakayin ko kayo at lalapain tulad ng ginagawa ng mabangis na hayop sa kanyang biktima. Lalapain ko kayo gaya ng ginagawa ng leon at ng osong inagawan ng anak. Babantayan ko kayo sa daan at sasalakayin tulad ng hayop na leopardo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.