1Sinabi ni Hoseas: “Mga taga-Israel, magbalik-loob na kayo sa Panginoon na inyong Diyos. Napahamak kayo dahil sa inyong kasalanan.
2Magbalik-loob na kayo sa Panginoon at sabihin ninyo sa kanya, ‘Patawarin nʼyo po kami sa aming mga kasalanan. Tanggapin nʼyo po kami ayon sa inyong kabutihan upang makapaghandog kami sa inyo ng pagpupuri.
3Hindi na kami hihingi ng tulong sa Asiria at hindi na rin kami aasa sa mga kabayong pandigma. Hindi na rin namin tatawagin na aming Diyos ang mga diyos-diyosang ginawa namin. Sapagkat kinaawaan nʼyo po kami na parang mga ulila.’ ”
4Sinabi ng Panginoon, “Pagagalingin ko ang aking mga mamamayan mula sa kanilang pagkamasuwayin at taos-puso ko silang mamahalin. Sapagkat nawala na ang galit ko sa kanila.
5Pagpapalain ko ang mga taga-Israel; akoʼy magiging parang hamog sa kanila na nagbibigay ng tubig sa mga halaman. Sila ay lalago tulad ng liryong namumulaklak. Sila ay magiging matatag tulad ng puno ng sedro sa Lebanon na malalim ang ugat.