Hoseas 2

Habulin man niya ang kanyang mga lalaki, hindi niya sila maaabutan. Hahanapin niya sila ngunit hindi niya rin makikita. Pagkatapos, sasabihin niya, ‘Babalik na lang ako sa aking asawa sapagkat higit na mabuti ang kalagayan ko noon sa piling niya kaysa sa ngayon.’

Hosea 2:7 (UKJV) And she shall follow after her lovers, but she shall not overtake them; and she shall seek them, but shall not find them: then shall she say, I will go and return to my first husband; for then was it better with me than now.

5Nakakahiya ang ginagawa ng inang nagsilang sa inyo. Sinabi pa niya, ‘Hahabulin ko ang mga lalaking nagbibigay sa akin ng pagkain, tubig, telang lana at lino, langis, at inumin.’

6Kaya babakuran ko siya ng mga matitinik na halaman upang hindi siya makalabas.

7Habulin man niya ang kanyang mga lalaki, hindi niya sila maaabutan. Hahanapin niya sila ngunit hindi niya rin makikita. Pagkatapos, sasabihin niya, ‘Babalik na lang ako sa aking asawa sapagkat higit na mabuti ang kalagayan ko noon sa piling niya kaysa sa ngayon.’

8Hindi niya napagtanto na ako ang nagbigay sa kanya ng mga ito: mga butil, bagong alak, at langis; binigyan ko pa siya ng pilak at ginto. Ngunit ibinigay niya ang lahat ng ito kay Baal na kanyang diyos-diyosan.

9“Kaya pagdating ng tag-ani ay babawiin ko ang mga butil at ang bagong alak na aking ibinigay. Babawiin ko rin ang mga telang lana at linong ibinigay ko na sanaʼy pantakip sa kanyang kahubaran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.