Hoseas 4

Sumamba ang Efraim sa mga diyos-diyosan kaya pabayaan na lang sila.

Hosea 4:17 (UKJV) Ephraim is joined to idols: let him alone.

15“Mga taga-Israel, kahit na akoʼy tinalikuran ninyo tulad ng babaeng nangalunya, huwag na ninyong idamay ang mga taga-Juda.” “At kayong mga taga-Juda, huwag kayong pumunta sa Gilgal at sa Bet-aven upang sumamba sa akin o gumawa ng mga pangako sa pangalan ng Panginoon.

16Sapagkat matigas ang ulo ng mga taga-Israel katulad ng dumalagang baka na ayaw sumunod. Kaya paano sila mababantayan ng Panginoon tulad ng mga tupang nasa pastulan?

17Sumamba ang Efraim sa mga diyos-diyosan kaya pabayaan na lang sila.

18Ubos man ang inumin nilang nakakalasing, patuloy pa rin ang kanilang pangangalunya (na parang mga bayarang babae). Gustong-gusto ng kanilang mga pinuno na gumawa ng mga nakahihiyang bagay.

19Kaya lilipulin sila na parang tinatangay ng malakas na hangin, at mapapahiya sila dahil sa kanilang paghahandog sa mga diyos-diyosan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.