4“Ngunit walang sinuman ang dapat mang-usig o mang-akusa sa kanyang kapwa sapagkat kayong mga pari ang gusto kong isakdal.
5Kayo at ang mga propeta ay mapapahamak sa araw man o sa gabi pati ang inyong mga ina.
6Napapahamak ang aking mga mamamayan dahil kulang ang kaalaman nila tungkol sa akin. “Sapagkat kayo mismong mga pari ay tinanggihan ang kaalamang ito, kaya tinatanggihan ko rin kayo bilang mga pari ko. Kinalimutan ninyo ang aking kautusan kaya kalilimutan ko rin ang inyong mga anak.
7Habang dumarami kayong mga pari, dumarami rin ang mga kasalanan ninyo sa akin. Ipinagpalit ninyo ang luwalhati ng Diyos sa nakakahiyang mga diyos-diyosan.
8Gusto ninyong magkasala ang aking mga mamamayan upang makakain kayo mula sa kanilang mga handog sa paglilinis.