Hoseas 5

Sapagkat sasalakayin kong gaya ng leon ang Israel at ang Juda. Ako mismo ang lilipol sa kanila. Dadalhin ko sila sa ibang bansa at walang makapagliligtas sa kanila.

Hosea 5:14 (UKJV) For I will be unto Ephraim as a lion, and as a young lion to the house of Judah: I, even I, will tear and go away; I will take away, and none shall rescue him.

12Sapagkat akoʼy tulad ng gamo-gamo sa lahi ni Efraim, tulad ng kalawang na sisira sa sambahayan ni Juda.

13“Nang makita ng mga taga-Israel at taga-Juda ang kanilang masamang kalagayan, humingi ng tulong ang Israel sa makapangyarihang hari ng Asiria. Subalit hindi ito makakatulong sa kanila.

14Sapagkat sasalakayin kong gaya ng leon ang Israel at ang Juda. Ako mismo ang lilipol sa kanila. Dadalhin ko sila sa ibang bansa at walang makapagliligtas sa kanila.

15Pagkatapos, babalik ako sa aking lungga hanggang sa maparusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan. At sa gayoʼy hahanapin nila ako; sa kanilang pagdurusa ay lalapit sila sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.